CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Tuesday, March 18, 2008

halaga...



"Wala ka na ngang time, ikaw pang naghahanap ngayon?!"



OK, magfifeeling muna ako ngayon. Kunyari, ako ung friend ko nakipagcommit at ako ang makikisalamuha sa mga exena nila sa araw araw. Nagsimula sila as real good friends. Everyday, sila magkasama (kasi magkasama rin sila sa work), they get to bond well. Witness ako sa mga everyday scenarios nila and I must admit, pati ako kinilig sa mga nakita ko. Hanggang sa dumating 'ung time na na-inlove na sila sa isa't-isa.


Nung umpisa, masaya sila. Laging anjan para sa isa't- isa, tambay sa ganito, gimik sa ganyan. Text dito, text jan plus the tawagan blues. Ganun sila for years. Laging masaya, despite their tampuhans. Basta magkasama sila, masayang masaya, parang wala ng bukas.


Sad lang kasi nadestino itong boyfriend ng friend ko sa malayong lugar kung kaya kahit takot e sumugal pa rin cia. Umasa na magiging maayos pa rin ang lahat at umasa na pwedeng, mas magiging exciting ang kanilang pagsasama.


Pero, hindi ganun ang nangyari. Nawalan sila ng time sa isa't-isa at sa di ko ma-identify na dahilan e parang niliyaban ung mga pride nila. Naghihintayan ng text (to the point na hindi cia magtetext, hanggang di nagtetext ung isa, walang kumustahan, ni simpleng good morning at good evening e wala). Di ko alam kung anong nangyari.


Araw araw, iniiyakan ako nitong friend ko. Nahihirapan daw siya sa situation nila ngayon. Tinatanong niya ako kung normal pa raw ba yun. I don't want to sound as if wala akong karapatang magreact kasi wala akong alam sa feeling ng commited pero bilang kaibigan, ako ang nasasaktan for her. Opinion lang..hindi normal un!


Bakit kailangang maghintayan kayo ng text? Bakit hindi ka nakakapagtext? Bakit hindi siya nakakapagtext? Anong meron? Masyado bang busy? Bakit mga simpleng rituals e nakakaligtaan nyong gawin? Bakit parang wala kayong halaga sa isa't isa? Dahilan ba ung pagiging malayo? Ano pa ba pwedeng dahilan? Kung tutuusin, malayo na nga kayo sa isa't isa e, bakit hirap kayong iparamdam un, ganung napaka-hi-tech na ng mundo ngayon. May email, may chat, may cellphones kayo. Nampatola. Huy boyfiend, kung gusto mong palaguin kung ano mang meron kayo, maraming paraan. Simpleng goodmorning, mahirap bang i-type un?! Gawin mong draft kung tamad ka. Kung wala kang load, may access ka naman sa internet. Naka-DSL ka naman. Bakit hindi mo magawa? Ginagawa mo naman dati db? Bakit di mo na ginagawa ngayon?


Di ko masisisi itong kaibigan ko kung mag iinarte man siya kasi nga naman, nasanay siyang laging anjan ang BF niya for her (although marami rin naman ciang ibang friends that surround her). Nung nililigawan pa lang siya, madaming panahon para sa kanya si lalaki. Bakit ngayon, wala? Dahil ba kuntento na siya na tawagin siyang "AKIN." Enough ba ung "kayo" for the sake of confidence na naibigay nung thought na "kayo" na nga?! Na...secured si BF na hindi siya mapupunta sa iba pa nyang suitors?!


Para sayo BF ng friend ko, maraming mga bagay na SANA ikaw ang gumagawa. Pero, hindi ko nakikita 'yun. Kapag binabrowse ko nga ang fon niya, mas marami pa ung messages ng ibang tao. Mas sweet, mas may concern. Pwede rin namang dahil nanliligaw sila. Haay..Ganun pa man, ikaw pa rin ang hanap niya, ikaw talaga ang mahal niya. Sana wag mong iparamdam sa kanya na wala siyang halaga. Alam ko kasing mahal ka niya e. Sana hindi dumating ung time pagsisisihan niya kung bakit ikaw ang pinili niya among those other guys na nakapalibot sa kanya. Hindi na nga kayo legal, ganito pa nangyayari.


Don't worry, napagsabihan ko na rin naman siya e..madali naman kausap un e. Sana lang, kumilos ka..parang nakakadala kasi e, You're trying to prove na "NAG-IINVEST" lang talaga kayo kapag nanliligaw and kapag sinagot na, "it's payback time" na...


tsk,tsk...


bad...


too bad...






No comments: