(BUZZ!)
(BUZZ!)
as if naririnig ko ung message alert e wala ngang soundcard pc ko?!
everyday sa work, mas una pa ata akong nagllog-in sa YM kesa sa mga tools namin. nakakagaan ng loob ang mga messages as simple as "good morning," "good evening," "musta?," etc...such a great starter.
pero, itong "buzz" na ito, galing sa isang taong akala ko e di ko na ulit makakausap (hep. hindi siya sumakabilang buhay). matagal na panahon na rin kasi ang lumipas at hindi na ako nag-eexpect na makakatagpo ko pa ciang muli. nakakagulat na dito pa sa virtual na mundo kami nagkita. itago natin cia sa pangalang "JP."

JP: hey
(lumipas ang isang oras)
JP: hi ulit
JP: ano gawa mo?
AKO: nagsusulat, ikaw?
JP: huh? ng ano?
AKO: blog
JP: nasan ka ba?
AKO: sa opis, ikaw?
JP: sa bahay, nagpupuyat
AKO: hala..bakit naman?
JP: kasi may hinihintay akong tao na hindi nagrereply
(napaisip ako, ayoko naman mag-feeling)
AKO: a, i c..
(manhid)
JP: anong oras uwi mo? bakit lagi kang pang gabi?
AKO: 530 po. sa call center kasi ako nagwowork
JP: san ka na nga pala umuuwi ngayon?dun pa din ba sa dati?
AKO: a, hindi na..sa may _____ na
(maraming blah, blah..)
(maraming kumustahan..)
(after ilang oras)
JP: nga pala, nakita kita sa may munoz dati
AKO: a, talaga? kelan?
JP: this year lang
AKO: hmmm..di ko matandaan a
(naisip ko, kelan pa ba ko huling napunta sa munoz?)
JP: oo, ikaw un!
AKO: ok, so wat's with that pagkikita?
laking gulat ko nang tanungin niya ako:
JP: may anak ka na ba?
AKO: wala pa naman
JP: hindi nga?
AKO: wala nga! ano ka ba?!
JP: e asawa?
AKO: huh?! wala pa din! ayus sa mga tanong a!
JP: baka nahihiya ka lang, aminin mo na
(sa isip ko, bakit ako mahihiya?! haller!!!)
AKO: ngek! kung may anak na ako, hindi ko itatago no!
AKO: ipapangalandakan ko pa!
(napatahimik sandali)
JP: hindi nga?! nakita kita may kasama kang bata e
JP: mga 3 years old na batang babae
(napaisip ako..pwedeng si ghianne un! kapatid ng kaibigan ko)
AKO: heheh..un ba? ay sus..sa dami ng bata na pinapashal ko, di maikakaila na pwedeng lahat akalaing anak ko! hahaha..
JP: hindi nga?!
chat ended: (7:01 AM)
hahahaha..natawa lang ako kasi napagkamalan na naman akong nanay. Muka na ba kong may anak sa yatot kong ito? Sana nga lang, sa susunod, totong anak ko na ang bitbit ko para naman mas masaya. At ano naman sayo kung may anak at kung sakali e, may asawa na ako? naku ha..style!
Nakakatuwa ding isipin na sa simpleng kumustahan e maraming ala-ala ang nagbalik na parang kahapon lang kami huling nagkita. Siya ay isang bahagi ng kahapon na masasabi kong nagpamulat sa akin sa mundo ng pag-ibig. Pag-ibig na hindi ko alam kung ano ang tunay na kahulugan, lalo na nung mga panahong wala akong ibang inisip kundi ang mag-aral at maglaro. Isang bagay na hindi ko binigyan ng panahon. Masasabi kong, wala pa akong pakiramdam nun! ahahah..
Bulaklak na gawa sa papel. Sulat na sangkatutak. Mga tulang pinasusulat niya sa ate niya. Mga angel figurines na kinukupit niya sa hilera ng mga displays nila. Yung pyesa niya ng MY HEART WILL GO ON. Mga porcelain na manika ng lola niya. Tambay dito at doon. Lakad simula sa Rd.20 hanggang sa amin at kung anu-ano pa.
Our chat ended with a sweet: "goodnight janice" from him ofcourse. Haaay..after 48 years, muli kang nagparamdam. Hindi ko alam kung saan hahantong ang kabanatang ito na muling nagbukas. Ngunit, subalit, datapwat..
...masaya na ako sa buhay ko ngayon at hindi ko alam kung kaya ko pang tumanggap ng panibagong "kaibigan (?)." hmmm...que sera sera..

1 comment:
may past ba kay0? kasi kung meron, baka destined na kayo to be together. somewhere down the road your roads did meet.
Post a Comment