CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, January 2, 2008

Happy New Year




♥ ° ♥ ° ♥ ° ♥ ° ♥


My New Year was spent sa bahay. Grabe, first time in history na tulog lang ako magdamag during New Year's eve.

Nung umaga ng 31st, my ate and I had a mini-date sa park. After shift, pinuntahan niya ako dito sa office tapos dumirecho na kami sa Marikina Riverbanks. First time nya dun kaya nalibang siya. In fairness, mas masaya nga pumunta sa park kapag maaga pa. Mas maraming magagawa at mas madaming makikita. Hehehe..pasaway kasi ako eh..

This is also our first time na sumakay sa LRT2 together. Di nga namin napigilan, we took pictures sa loob ng train...sobrang na-amaze si ateko sa LRT. Super linis kasi tapos, mataba ung train. Maluwag sa loob at super linis ng paligid. Aside from that, napaka-swabe ng takbo nito, hindi kagaya sa MRT o sa lumang LRT na kakalog kalog at maingay na pati lubak e mararamdaman mo.

Pagdating namin sa Riverbanks, mega libot muna kami sa SM. May mini-SM mall dun plus ung madaming madaming tiangge. Andami namin nakitang new stuffs. Kakaaliw. We bought something for ourselves and it was a pair of sunglasses for the both of us. Yeepee! A pair of big bug sunglasses. Later, kumain kami sa Greenwich kasi gutom na kami.

Ilang sandali pa, pumunta na kami sa labas at in-explore nag park. Syempre pa, first stop sa tiangge along the river. Sa tabi nun, mini-perya. Syempre, excited akong ipakita sa kanya yung milliong million at super naglalakihang janitor fishes sa river. Whaa..she was surprised to see those. Takot nga siyang lumapit. heheh..pero dahil isa akong tusong daga, dinala ko cia dun at nag-boat ride kami! Ahahahah..15 minutes was enough to cast her fears away.

Pagka-ahon namin, pumunta kami sa kabilang side ng river. Tumawid kami thru the bakal bridge along the river and then tambay sa may bench overlooking the river na may malaking malaking shoe. Usap usap, kwento kwento. Hapon na nung matapos kami. Gusto ko pa sana siya ipasyal sa kabilang dako aso hapon na. Baka abutan kami ng putukan sa kalsada. Delikado.

Bago kami makauwi, dumaan muna kami sa Circle-C. Buy kami ng goodies for a late exchange gift sa compound namin. Tapos buy din ng cake at fruits. Good thing, nakita namin dun 'yung mga kapatid ko. There's Budz and Vic-Vic. heheh..sabay sabay na kami umuwi.

Pag dating sa bahay, inaya na ako ng kama. heheh..tulog. Plakda kung plakda. Nagising nalang ako nunug super duper ingay nung sawa na pinaputok nila. Grabe, kahit gaano kasarado ung pinto at mga bintana ng kwarto ko, nabulabog pa rin ako. hehehe..plus calls from dearest people. Wow. It's all worth the bangon. ♥

Finally, countdown na...
5...



4....


3....




2....



1.....








ö ° ö ° ö ° ö ° ö


PS: Sa mga nagtatanong nga po pala kung sino kumuha ng mga photos na ginamit ko (fireworks)..ako po! Photos were taken during the recent
2007 Ligligan Festival sa
City of San Fernando, Pampanga.


No comments: