Hahah..found a new friend sa katauhan ni Sheryl. Natuwa naman ako kasi sobrang timing naman ng dating nya. hehehe..etong batang to e nakakulitan ko sa floor, matanong kasi. OK naman siyang suportahan kasi, like me, bungisngis din siya and she knows what she's doing.
Hanggang sa naging chatmates ko sila ni Glads, isa pang uber kulit na new agent. Tagteam sila eh. That night na ka-chat ko cia, na-earn ko ung petname na "Pringles." To our surprise kasi, we both like Pringles pala and nung time na 'yun, pareho kaming nagccrave sa food.
Ahahah..Ayus ciang kausap. May sense. Informative at open. Kung sakin, pwede pag-usapan anything under the sun, mas pa sa kanya. Natalbugan ako. Heheh..gulat nga ko sa mga "revelations" niya e. Kung ano man un, samin na lang un! ahahah..belat!
Mas marami pa kong nalaman about her nung time na we had lunch. Grabe, para lang akong nakikipag-usap sa long-time friend ko. Walang keme-keme, walang kaplastikan. Ako ay ako at siya ay siya. Ansaya db?
◘-◘-◘-◘-◘-◘-◘-◘-◘-◘-◘-◘
Wow naman! Sobrang kaka-touch naman itong si Pringles! Akalain mong ako ang laman ng first enrty ng blog niya. Na-inspire daw siya magblog. Ni-encourage ko kasi siya na magblog as I find her good at it. Galing, galing! Apir, Prings!
Kelan lang tayo nagkakilala Prings pero feeling ko, antagal tagal na nating magkakilala. Hehehe..sa dami ng kwento natin, well-informed na tayo sa hi-lights ng buhay ng isa't-isa. Thank you kasi you're one of those dear people who pushed me up sa mga panahong pagod na ko. Nakakaloka lang kasi, hindi ko kayang makipagmatigasan gaya ng sinasabi mo. I wish I could have your hard heart kahit isang oras lang.
Whatever happens, di ko kayo makakalimutan. Promise 'yan! ahahah..keep in touch ha? ha? ha? Goodluck sa inyo ng mahal mo..sana always kayong happy. Love unconditionally and you'll be fine. Wag maciado mahigpit, inay! heheheh..jowk!
Again, maraming salamat sa mga pieces of advice and sa iyong undying words of wisdom..sobrang naappreciate ko po...
No comments:
Post a Comment