♥ ♥ ♥ ♥ ♥
hahah..naks! naman..pamatay sa title a! Parang namatayan lang..hmm..knock on wood. Ayaw ko pong mamatayan o mawalan ng mahal sa buhay.. =(
Hmmm..pero parang ganun na rin un. I feel like parang unti-unti akong namamatay sa sakit at sa sama ng loob. Nakakalungkot kasi masaya na ako sa ginagawa ko. Masaya na ako sa trabaho ko. Kaso talagang mga pangyayaring hindi maiwasan..
I don't know if I should say this pero isa lang ang alam ko. Matatahimik ka na. Sa wakas, naging successful ka rin. Hindi ko alam kung bakit ka ganyan, hindi ko alam kung mo ko ginaganito. Wala naman akong natatandaang ginawang masama sayo. Di ko tuloy alam kung threatened ka nga gaya ng sinasabi nila. Kung totoo man un, wala ka naman dapat ikatakot. Kasi, wala naman akong gagawin sayo. Kahit ano pa gawin mo sakin, di naman kita papatulan. Iiyak, oo. Gang ganun lang. Siguro, manggigil ako sayo pero hinding hindi kita sasaktan. Kung may masabi man ako, un e dahil naiinis ako at that spur of a moment. After nun, ok na ko. Kaya na ulit kitang pakiharapan as a human. Kaya na ulit kitang tignan sa mata.
Sabi nila, mabilis daw ang karma ngayon. Digital, Fedex, UPS. Still, I don't wish you bad karma. Kasi alam kong di rin ako magiging masaya kapag may nangyaring hindi maganda sayo. Hindi OK sakin un. Hindi ako matatahimik. What I'm hoping for e 'yung dumating 'yung time na ma-realize mong gaya mo, tao lang kami na nasasaktan. Sadja man o hindi, nasasaktan din. Sana dumating 'yung time na marealize mong hindi araw araw Pasko. Pwedeng ngayon, aayon sayo lahat pero darating din ang time na makakahanap ka ng katapat. Sana hindi kasing sakit ng nararamdaman ko/namin ang maramdaman mo..
Inspite and despite the fact na ganito ako ka-low lately, I'm thankful to those people na nagpapalakas ng loob ko. This experience made me realize na OK lang. Kaya ko. I've found people who believes in me. Thanks sa mga bagong friends ko. Kelan ko lang kayo nakasama at nakakulitan pero pinaramdam nyo sakin ang worth ko. Something na never binigay sakin ng maluwag ng taong dapat siya ang nagbigay. OK na ako. Sobrang grateful ako sa inyo at kahit kelan, di ko kayo makakalimutan.
At syempre, special mention din ang mga taong simula sa umpisa e anjan na para umalalay. Simple gestures, simple words, simple YOU..very much appreciated. Salamat kasi you guys never failed to make me feel na I'm not alone in this battle. Anu't-ano man ang mangyari, know na i so0o value each and everyone of you and all things na ginawa at ginagawa nyo for me ay never kong makakalimutan..
If I can't be for myself, for YOU GUYS, I'll be strong..hmmmwah!
No comments:
Post a Comment