CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Tuesday, March 18, 2008

sa kanYang pag-uWi..


As he started to bid goodbye, he went on and kept me updated with multiple messages:


12:17am.
Patay na pc ko. Log out na ko sa ofis. Pindot elevator. Hmmm..Mukhang sobra na yata sa glow ako. Humahalimuyak sa pagmamahal. Dami nakatingin..

(I assume, naglalakad na siya sa Ayala)

12:22am. Naglalakad sa kalyeng madilim. Tumatalon at umaawit ang puso ko. Inlab talaga ako. =)

(Tumpak, tama ako!)

12:26am. Hindi mapigil sa kakaisip. Masayang kausap ng kahit sandali. Walang pakialam sa mga taong nadadaanan. Di mapigilang ngumit at magmuni-muni.

12:29. Nagaantay ng masasakyan sa kalye ng Ayala... Hmmm. Ala pang bus..sana may dumating na.

12:33am. Dumating na din ang bus na inaantay. Nakaupo ng matiwasay. Hmmm..Bon Jovi ang sounds. Bed of roses. Sinusubukang makarelate sa kanta. Pwede!

(hahahah..bed of roses?!)

12:37am. Todo sa emote sa kasunod na kanta..Diary ng bread..di bagay. Tumungo at sandali ay natawa. Bukas ang gitnang butones ng polo ko. Buyangyang ang fresh na fresh kong balat. =)

(naman..di kasi nichecheck e..)

12:39am. Ala kong magawa. Ala na palang butones netong polo ko. Hahahah. Kaya naman pala nakangiti sa akin ang mga tao. Kala ko pogi lang ako.

12:41am. Next song please. Tama na ang comment ng DJ.

12:49am. Ef-eks na ako. Alang sounds. Kanta na lang ako sa isip ko. Ano kayang magandang kanta? May suggestion ka ba?

(di ako nakapagreact dahil late ko na nabasa mga messages dahil bawal sa floor)

12:52am. Alis na ang ef-eks. Buti at mabilis napuno.

12:54am. Wala na akong maisip...wala na kong maisip...wala na akong maisip...kundi...ikaw...jaja....

(naku naman...hmm)

12:55am. Lalalalala...means...i love you..ohhhh...lalalalalala means..i love you...yeah! =)

12:58am. Ang taong nakangiti, malamang inlab! Nyeh.

(nye. hahahaha. )

1:08am. Pangako sayo..ipaglalaban ko oh. Sa hirap at ginhawa ang aking pag-ibig. For better or for worse, 4 richer or poorer. In sickness or in health til death do us part. Oooh. Pangako sayo ipaglalaban ko. Sa hirap at ginahawa ang aking pag-ibig.

(singing or what?! naku..antok na yan..)

1:19am. Tumingin ako sa langit. May nakit akong daming biutin. Ang daming jaja. Nagkikislapan at nagsasabing...pag di ka nag-ingat, palo ka sa pwet! =)

1:23am. Ang sabi ko naman...pano mo ako palo sa pwet eh anjan ka sa langit?

1:24am. Sabi ni bituin na Jaja..bababa ako sa langit at dudurugin kita! Mala action ito.

1:25am. Im home na po. Di mo na ko kelangan palo sa pwet. Good boy ako e. =)

(heheheh..God is good! He kept you safe.)

1:29am. Goodnight ja. Have a perfect shift. =)

(thank you and you have a perfect goodnight sleep..)



Simple gesture, simple act, yet it flattered my humble and happy heart to be kept company in ways I never thought would make me smile a million..


halaga...



"Wala ka na ngang time, ikaw pang naghahanap ngayon?!"



OK, magfifeeling muna ako ngayon. Kunyari, ako ung friend ko nakipagcommit at ako ang makikisalamuha sa mga exena nila sa araw araw. Nagsimula sila as real good friends. Everyday, sila magkasama (kasi magkasama rin sila sa work), they get to bond well. Witness ako sa mga everyday scenarios nila and I must admit, pati ako kinilig sa mga nakita ko. Hanggang sa dumating 'ung time na na-inlove na sila sa isa't-isa.


Nung umpisa, masaya sila. Laging anjan para sa isa't- isa, tambay sa ganito, gimik sa ganyan. Text dito, text jan plus the tawagan blues. Ganun sila for years. Laging masaya, despite their tampuhans. Basta magkasama sila, masayang masaya, parang wala ng bukas.


Sad lang kasi nadestino itong boyfriend ng friend ko sa malayong lugar kung kaya kahit takot e sumugal pa rin cia. Umasa na magiging maayos pa rin ang lahat at umasa na pwedeng, mas magiging exciting ang kanilang pagsasama.


Pero, hindi ganun ang nangyari. Nawalan sila ng time sa isa't-isa at sa di ko ma-identify na dahilan e parang niliyaban ung mga pride nila. Naghihintayan ng text (to the point na hindi cia magtetext, hanggang di nagtetext ung isa, walang kumustahan, ni simpleng good morning at good evening e wala). Di ko alam kung anong nangyari.


Araw araw, iniiyakan ako nitong friend ko. Nahihirapan daw siya sa situation nila ngayon. Tinatanong niya ako kung normal pa raw ba yun. I don't want to sound as if wala akong karapatang magreact kasi wala akong alam sa feeling ng commited pero bilang kaibigan, ako ang nasasaktan for her. Opinion lang..hindi normal un!


Bakit kailangang maghintayan kayo ng text? Bakit hindi ka nakakapagtext? Bakit hindi siya nakakapagtext? Anong meron? Masyado bang busy? Bakit mga simpleng rituals e nakakaligtaan nyong gawin? Bakit parang wala kayong halaga sa isa't isa? Dahilan ba ung pagiging malayo? Ano pa ba pwedeng dahilan? Kung tutuusin, malayo na nga kayo sa isa't isa e, bakit hirap kayong iparamdam un, ganung napaka-hi-tech na ng mundo ngayon. May email, may chat, may cellphones kayo. Nampatola. Huy boyfiend, kung gusto mong palaguin kung ano mang meron kayo, maraming paraan. Simpleng goodmorning, mahirap bang i-type un?! Gawin mong draft kung tamad ka. Kung wala kang load, may access ka naman sa internet. Naka-DSL ka naman. Bakit hindi mo magawa? Ginagawa mo naman dati db? Bakit di mo na ginagawa ngayon?


Di ko masisisi itong kaibigan ko kung mag iinarte man siya kasi nga naman, nasanay siyang laging anjan ang BF niya for her (although marami rin naman ciang ibang friends that surround her). Nung nililigawan pa lang siya, madaming panahon para sa kanya si lalaki. Bakit ngayon, wala? Dahil ba kuntento na siya na tawagin siyang "AKIN." Enough ba ung "kayo" for the sake of confidence na naibigay nung thought na "kayo" na nga?! Na...secured si BF na hindi siya mapupunta sa iba pa nyang suitors?!


Para sayo BF ng friend ko, maraming mga bagay na SANA ikaw ang gumagawa. Pero, hindi ko nakikita 'yun. Kapag binabrowse ko nga ang fon niya, mas marami pa ung messages ng ibang tao. Mas sweet, mas may concern. Pwede rin namang dahil nanliligaw sila. Haay..Ganun pa man, ikaw pa rin ang hanap niya, ikaw talaga ang mahal niya. Sana wag mong iparamdam sa kanya na wala siyang halaga. Alam ko kasing mahal ka niya e. Sana hindi dumating ung time pagsisisihan niya kung bakit ikaw ang pinili niya among those other guys na nakapalibot sa kanya. Hindi na nga kayo legal, ganito pa nangyayari.


Don't worry, napagsabihan ko na rin naman siya e..madali naman kausap un e. Sana lang, kumilos ka..parang nakakadala kasi e, You're trying to prove na "NAG-IINVEST" lang talaga kayo kapag nanliligaw and kapag sinagot na, "it's payback time" na...


tsk,tsk...


bad...


too bad...






Wednesday, March 12, 2008

"d0nt judge my brother because...


......he is not a book!"



hmmm..looking back, ito ung linyang binitawan ni Melanie Marquez to defend her brother from the controversies he had with Kris Aquino. Just one of her most famous lines. Marami ang nagsasabi na kung meron mang ma-a-award-an sa pagiging pinakamahusay mag-ingles, wala ng tatalo kay Melanie Marquez (sabay banat, "jowk lang" or "if you know what I mean").

Pero, teka. Miski cia ay nagreact. Mejo nainis dahil inihambing cia sa pinaka-kontrobersyal na si Bb. Pilipinas World '08, Janina San Miguel. During the recent Binibining Pilipinas Pageant, she was picked to be part of the "tuff" ten, sorry, I mean, top ten among the lovely candidates and was part of the Q&A portion. I was totally surprised to have seen it (although it was just via youtube, not from a live/delayed telecast).

She is amazingly beautiful (infact, she bagged Best in Long Gown and Best in Swimsuit awards) and as a viewer, I honestly expected a simple yet brilliant answer.


*****

"my pamily's role por me is so imfortant, because there is..
they was
the one whose beri.. hahah..ooh i'm so sorry...

my pamily, my family huh...oh my God, i'm... ok... i'm so sorry...
i told you that i'm so confident, eto, ahhm... wait... ahahahaha..
ahmmm,
sorry guys... because...ahhmm..this was really my perst
pajent eber..because i'm only 17 yrs old and ah...ahuh..
i, i didn't not expect that i came prom...

i came prom one op da tuff 10 hmmm so..
but i said dat
my family is the most imfortant persons in my life.
teynk you."

(Janina San Miguel, Bb.Pilipinas World '08)


To think that it was a simple question, she could have answered nice and sweet.
Understandable, she could be very nervous at that time and maybe mumbled with words and thoughts. Like anybody else, nagkakamali din tayong lahat kaya wag natin ciang i-judge.

I just wonder, do you think
it'll be easier to understand the way she handled it if she could have been from another country? let's say, China..umm..Japan? or from Spain or Turkey? Maybe YES.

What makes it hard for us Filipinos to ignore it is the fact that we are expected to speak English well as English is considered to be our second favored language. I just hope she could work on this (with the nation's support ofcourse) and represent the country with pride.

Judges do have their reasons of giving the crown to this beautiful gal and we must admit, we all commit mistakes, and we can just charge it to experience. Let's all give her a chance.



Tuesday, March 11, 2008

Will y0u buy it?



Advertising is one way to communicate with potential customers about products, services and how to use them. Basically, this is what marketing is about. Specifically, it focuses on a particular product and service to fulfill wants, trying to move people towards the product offered.


As I was browsing the web, I was totally surprised to see some photos that a brand used to advertise their clothing. First..i thought it was nice..

















Until I got totally speechless...














I can't even look at it boldly...






*just click on this link for more photos*

(Photos were archives from way back 90's to early 2k)







I just can't imagine why they would need to use these strategies to get people buy their stuffs. Sad, but this strategy is also being used by other clothing brands as well.



As a consumer myself, just by looking at their ads, I'm totally confused as to what they're selling for real. The clothes or what? Just a thought though...




hmmm...











Monday, March 10, 2008

after 48 years..



chat started:
(12:19 AM)

(BUZZ!)

(BUZZ!)


as if naririnig ko ung message alert e wala ngang soundcard pc ko?!


everyday sa work, mas una pa ata akong nagllog-in sa YM kesa sa mga tools namin. nakakagaan ng loob ang mga messages as simple as "good morning," "good evening," "musta?," etc...such a great starter.


pero, itong "buzz" na ito, galing sa isang taong akala ko e di ko na ulit makakausap (hep. hindi siya sumakabilang buhay). matagal na panahon na rin kasi ang lumipas at hindi na ako nag-eexpect na makakatagpo ko pa ciang muli. nakakagulat na dito pa sa virtual na mundo kami nagkita. itago natin cia sa pangalang "JP."


JP: hey

(lumipas ang isang oras)

JP: hi ulit
JP: ano gawa mo?
AKO: nagsusulat, ikaw?
JP: huh? ng ano?
AKO: blog
JP: nasan ka ba?
AKO: sa opis, ikaw?
JP: sa bahay, nagpupuyat
AKO: hala..bakit naman?
JP: kasi may hinihintay akong tao na hindi nagrereply

(napaisip ako, ayoko naman mag-feeling)

AKO: a, i c..

(manhid)

JP: anong oras uwi mo? bakit lagi kang pang gabi?
AKO: 530 po. sa call center kasi ako nagwowork
JP: san ka na nga pala umuuwi ngayon?dun pa din ba sa dati?
AKO: a, hindi na..sa may _____ na

(maraming blah, blah..)

(maraming kumustahan..)

(after ilang oras)

JP: nga pala, nakita kita sa may munoz dati
AKO: a, talaga? kelan?
JP: this year lang
AKO: hmmm..di ko matandaan a

(naisip ko, kelan pa ba ko huling napunta sa munoz?)

JP: oo, ikaw un!
AKO: ok, so wat's with that pagkikita?

laking gulat ko nang
tanungin niya ako:

JP: may anak ka na ba?
AKO: wala pa naman
JP: hindi nga?
AKO: wala nga! ano ka ba?!
JP: e asawa?
AKO: huh?! wala pa din! ayus sa mga tanong a!
JP: baka nahihiya ka lang, aminin mo na

(sa isip ko, bakit ako mahihiya?! haller!!!)

AKO: ngek! kung may anak na ako, hindi ko itatago no!

AKO: ipapangalandakan ko pa!

(napatahimik sandali)

JP: hindi nga?! nakita kita may kasama kang bata e
JP: mga 3 years old na batang babae

(napaisip ako..pwedeng si ghianne un! kapatid ng kaibigan ko)

AKO: heheh..un ba? ay sus..sa dami ng bata na pinapashal ko, di maikakaila na pwedeng lahat akalaing anak ko! hahaha..
JP: hindi nga?!

chat ended:
(7:01 AM)



hahahaha..natawa lang ako kasi napagkamalan na naman akong nanay. Muka na ba kong may anak sa yatot kong ito? Sana nga lang, sa susunod, totong anak ko na ang bitbit ko para naman mas masaya. At ano naman sayo kung may anak at kung sakali e, may asawa na ako? naku ha..style!


Nakakatuwa ding isipin na sa simpleng kumustahan e maraming ala-ala ang nagbalik na parang kahapon lang kami huling nagkita. Siya ay isang bahagi ng kahapon na masasabi kong nagpamulat sa akin sa mundo ng pag-ibig. Pag-ibig na hindi ko alam kung ano ang tunay na kahulugan, lalo na nung mga panahong wala akong ibang inisip kundi ang mag-aral at maglaro. Isang bagay na hindi ko binigyan ng panahon. Masasabi kong, wala pa akong pakiramdam nun! ahahah..


Bulaklak na gawa sa papel. Sulat na sangkatutak. Mga tulang pinasusulat niya sa ate niya. Mga angel figurines na kinukupit niya sa hilera ng mga displays nila. Yung pyesa niya ng MY HEART WILL GO ON. Mga porcelain na manika ng lola niya. Tambay dito at doon. Lakad simula sa Rd.20 hanggang sa amin at kung anu-ano pa.


Our chat ended with a sweet: "goodnight janice" from him ofcourse. Haaay..after 48 years, muli kang nagparamdam. Hindi ko alam kung saan hahantong ang kabanatang ito na muling nagbukas. Ngunit, subalit, datapwat..


...masaya na ako sa buhay ko ngayon at hindi ko alam kung kaya ko pang tumanggap ng panibagong "kaibigan (?)." hmmm...que sera sera..