Ayan, dito na ko sa office. For always, buzzer beater ang drama. Masakit batok ko, feel so stressed out. Ilang oras ng tulog sa ngalan ng pagpapataba. Naku naman, sana kayanin ng katawan ko tong ginagawa ko. Minsan I feel guilty na rin kasi alam kong may times na pinipilit ko lang eh.I'm just so afraid na baka bigla na lang akong bumigay. Haay..pasaway!
Kanina, we went to the gym. By the way, before that nga pala, kumain muna kami ng sisig . Tapos, sakay ng MRT at uwi na sa bahay. I must admit, di ko na talaga kinakaya yung antok ko nung time na yun. Buong byahe namin pauwi e nagtulog lang ako sa byahe. Pagdating namin, sinabihan ako ni Paw na magdahan dahan para di magising si Karl. heheheh..daya namin. In fairness, paghiga ko, talagang plakda kung plakda.Hanggang sa nakatulog na ko. Super sakit kasi talaga ng ulo ko eh.
Maya-maya, ginising na ko ni Karl. Grabe, ang sakit sakit ng ulo ko. Sinabi ko nga na di ko na kaya eh. Kaso, he's very eager talaga na maggym. Pagdating dun, di na ko nagbuhat. Para lang akong display. Hahahah..comedy!
Natapos din sa wakas. Pagbalik ng PBB, pinilit kong matulog kaso hindi ako makahimbing kasi hinihintay ko si Marj. Nagtext kasi na darating nga raw siya. Hilong talilong ko siyang hinintay. Gang sa humapon na't lahat, sa Trinoma na lang daw. Whhhaaaaaa..uwian na lang. Around 5pm na rin kasi yun eh. Di ko na talaga kaya. Super groge na ko.
Pag-uwi, konting text lang kay ate, tulog na ko. Sa antok nga, voicetext na lang, di ko na kaya magtype eh. Haay..ilang beses na kong ginising ni Vic-Vic. Buti na lang pasenshosong bata. Di ako nilubayan gang di ako bumabangon. Bangon. Ligo. Bihis. Alis.
At ngayon, et0 ako, mas groge pa sa lasing. ewan ko na lang kung uulitin ko pa yung ganitong aktibidades.
AYOKO NA!
No comments:
Post a Comment