WARNING: Late post po. heheh..di ko kasi na-blog on time eh.
February 23, 2008. Ciempre pa, papasok na ko sa Wednesday as advised by our company doctor kaya naman tinodo ko na ang aking bakashon grande. I was surprised and excited when I learned na pupunta kaming Baguio ni atekoi. It was a gloomy Saturday, after nung shift at gala nila, nung bumyahe kami papuntang "City of Pines." Supposedly, ang oras ng reserved na alis namin e 9pm. Sa di inaasahang pagkakataon, naiwan kami ng bus dahil kumain muna kami. Umasa kami na makakasakay kami sa bus ng saktong oras ngunit kami'y bigo. Inuna kasi muna naming kumain kaya nung mga oras na wala pa kami, nagpasakay na sila ng mga "chance passengers."
LESSON: Be there before 20 minutes next time, or else...
Ilang oras pa sana ang hihintayin namin dahil 1045pm pa ang susunod na byahe para sa mga naiwang pasahero tulad namin. Maciado kaming nainip kaya nung nagtawag 'yung kunduktor ng mga gustong maging "chance passenger," hindi na kami nagdalawang isip. 945, nakasakay kami ng bus. Kahit may extrang bayad, ok na lang din.
ZzzzZZzzz...ciempre pa, nagtulog lang kami sa byahe. Naawa nga ko kay Amapola kasi naman, wala pa ciang tulog tapos tagtag pa sa byahe. Ang masaya pa nyan, dahil chance passenger kami, hindi na kami nakapili ng pwesto at kung san na lang may bakante, dun na lang. Ayun, dun kami sa pinaka-dulo nakaupo. Kumusta naman yun? ang likot likot, nakabitin pa ung paa namin dahil mataas ung mga upuan..ahahaha..Ganun pa man, kinaya naman.
In fairness, sa himbing ng tulog namin, hindi na namin naramdaman ang liku-likong daan ng Marcos hi-way. Nagising kami na terminal na ulit ng Victory Liner ang view. Around 3am na ata un.
BrrRRrrr...sobrang ginaw. Hirap na hirap kaming kumilos. Parang bigla akong naghanap ng heater! ASA naman. Bago kami tumambay o gumala kung saan saan, inuna na namin ang magpareserve ng tickets pabalik ng Manila. Guess what? Ang trip na lang na available ay 8pm, Monday! Kumusta naman un?! Kung may pasok na pala ako ng Monday, siguradong absent na naman ako. Buti na lang! Goodness gracious. Kumain muna kami at nagpaumaga na sa terminal.
Nung mejo lumiwanag na sa labas{6am na kasi, madilim pa eh}, we decided to start looking for a place na papag-stay-an namin. Out we went and then inquired dun sa may information booth. First choice ay transient house sana para mas makamura kaso lahat halos, wala ng vacancy tapos, marami na rin ang nakaabang for reservation. Hinatid kami ng isa sa mga manong dun sa isang pension house na possibleng meron pang rooms available pero kami ay bigo. Buti na lang, loyalist kami ng AJ's Pension house at naisipan naming magtry ng luck dun. Good thing, merong available. We were able to get 'yung standard room for 1,100php/night.
Sakto 'ung dating namin sa Session Road. Nagstart ung parade at around 830am. Mejo malas nga lang kasi umaambon. Have we known, sana nagdala kami ng payong {owwwsss!?}. As the parade started, sobrang na-amaze ako sa ganda ng mga floats. Aliw na aliw ako. Andami daming bulaklak! WOW na WOW talaga at minsan, himbis na kunan ko ng picture e natutulala ako. hahah. Kinailangan pa kong tapikin ni ate. Same is true with different groups of street dancers. Ang gagaling nila! Kembot dito, kembot doon. Banda rito, banda roon.
We followed the parade of floats hanggang sa open field whereas dun i-aannounce ung winners. There were 32 participants but only 14 joined the competition proper. After a very tough walk through sa crowded {literal} area, we were able to get as close as possible sa mga floats. Whee!! totoong flowers! Andami dami dami! Andami dami ko pa palang hindi nakikitang flowers and that made me love more the beauty and wonder of nature! i s0o0o l0ve it!
{to be continued......}