Thursday pa lang ng hapon, busy na kami sa pamimili sa Divisoria to complete the materials na gagamitin sa debut ni Khaye (sister ni Boots). After namin punta sa Divisoria, we went to Dangwa naman to buy flowers. Grabe! Super bigat ng mga dalahin namin. Bundles of flowers (roses, mums at asters), iba't ibang klase ng leaves, maliliit na mga paso (27pcs un), roll ng water lily (ung pagkakabitan ng flowers), etc. Buti na lang, di ganun ka-hirap ibyahe kasi from Dangwa, ngatrike na kami papunta sa terminal. Sa terminal naman ng Dau, sinundo na kami ni Jason (boyfriend ni boots) kasama si Oliver (bunso nilang kapatid). Dumating kami sa Mabalacat at around 9-9:30pm. Pagdating sa bahay nila, kumain kami saglit tapos inumpisahan na namin ang paggawa ng mga burloloy, etc, etc. Inumpisahan na rin nila ang pagppump ng balloons.
Pinaglamayan ni Lea ung mga cut outs at ako naman e ung pag aarange ng mga flowers. Kahit antok na antok, nabubuhayan ako pag nakikita ko ung mga bulaklak.
Special thanks to Lhea for her uber kasipagan, sa kwentuhan at chika, lalong lalo na para sa napakainit na Milo. Nagising ako! Napakamaasikaso ng batang ito. Never akong pinabayaan at iniwan sa mga gagawin. She's uber busy to the point na laging nagtatanong kung ano pa ang mga gagawin. Kung ako ang kapatid niya, sobrang proud ako as her younger sister kasi talagang nakita ko kung pano siya nagtrabaho for this. :)
Pinaglamayan ni Lea ung mga cut outs at ako naman e ung pag aarange ng mga flowers. Kahit antok na antok, nabubuhayan ako pag nakikita ko ung mga bulaklak.
Special thanks to Lhea for her uber kasipagan, sa kwentuhan at chika, lalong lalo na para sa napakainit na Milo. Nagising ako! Napakamaasikaso ng batang ito. Never akong pinabayaan at iniwan sa mga gagawin. She's uber busy to the point na laging nagtatanong kung ano pa ang mga gagawin. Kung ako ang kapatid niya, sobrang proud ako as her younger sister kasi talagang nakita ko kung pano siya nagtrabaho for this. :)
Then came Friday, simula na ng matinding trabaho. After ng breakfast, I was able to take a nap. Mga 30minutes siguro. As early as 9am, nagsimula na kaming mag-ayos sa resort. Good thing, marami kaming kasama kaya kahit sobrang dami ng gagawin, natapos naman namin.
The venue looked all perfect for the event. So girly and sweet! Madaming tao at ciempre, madaming food! ahahah..after ng pag-aayos, time naman to host. Hehehe..change costume tapos balik na ulit sa venue. Nakakaloka kasi literal na nagbihis lang ako, wala man ngang suklay suklay, wala pang pulbos. Jahe. Kinabahan tuloy ako kasi super oily ng face ko tapos haharap ako sa kanila e hindi pa naman ako marunong magkapampangan. Nakakaintindi pero hindi nakakapagsalita. Buti na lang, tinuro na ni Tuls ung basics. Ganun pa man, bulol pa rin ako. heheheh..ika nga, ampanget daw pakinggan pag ako nagsasalita kaya nagtagalog na lang ako the whole night.
It's worth it. Nakakapagod pero masaya. After seeing the sight of the place (ung before and after niya), naku, nakakawala ng pagod! Balloons and flowers, here there and everywhere. This experience is really worth the pagod and puyat. I've gained new sets of friends (sa katauhan ng mga kapatid at pinsan ni Boots) and ofcourse, ung nakita ko ung saya nung debutant, aba..e nakaka-wow pala talaga un!
Sobrang flattering din nung nagbibigay na ng message si Khaye. Since nasa unahan lang ako, we were seated sa table ng mga bagets (participants ng cotillion de honor), kitang kita ko kung paano ako nginuso ni Oliver (ung youngest brother nila) sa ate niya para pasalamatan. Wala lang, simpleng bagay lang un pero nakakataba ng puso. Tahimik na bata kasi un. Hindi ko in-expect na maaappreciate niya ung ginawa ko para sa ate niya. Nakakatuwa cia..
Hanggang ngayon, feeling young pa rin ako. Sa dami ng debut na na-attend-an ko na at in-organize, feeling ko, ako lagi ang nagdedebut! ahahaha..saya!
FYI: frustrated debutant kasi ako..heheh..
1 comment:
naalala ko ung debut ko haaay kasaya!
hindi namn ako fancy fancy gurl..so what i did was i set up a pyjama party sa bahay. cooked the whole day. tas no pyjama no entrance heheheh..kaya pati mga boys naka PJ's :) sweet! we had a night full of fun..pillow fight..pop corn..saya! tas ako nagdesign ng invitation cards ko, baby theme pero "im turning 18" ang nkalagay sa labas :D
it's nice to feel young... minsan nga parang gusto ko ule magkaron ng debut party.. hehehe!
keep on smiling ja!
c u around!
hugss!
Post a Comment